10.14.2004

Marikina, Workshop, Kama

Dinala ko si Yosuke sa Marikina (finals week sa Ateneo kaya mahirap magtutor sa campus; isa pa, ginagamit para sa oral exams ang lahat ng consultation rooms sa dela Costa). Dumaan kami sa likod ng Ateneo pababa sa Barangka. Bago tuluyang pumunta sa Marikina River, ipinakita ko sa kanya ang tindahan ng pirated DVDs sa Riverbanks. Natuwa naman; babalik daw siya roon isang araw (matapos bumili ng ilang pelikula). Natukso akong bilhin ang 9-dvd set ng Beatles Anthology, pero napag-isip-isip kong a-trese pa lang, at halos paubos na ang suweldo ko para sa October 15. Muntik na rin akong matuksong bilhin ang piratang Eraserheads Anthology (pero sa ngalan ng prinsipyo, naisip kong kailangang orig ang bilhin kong kopya noon). Tumawid kami sa ilog at tiningnan ang paarkilahan ng bisikleta at mga videoke sa kabila. Naghilera na rin pala ang ihawan doon. Nakumbinse kaming kumain ni Ate-Didith-na-lang-daw-ang-itawag-namin-sa-kanya. Ako, inihaw na pusit (nag-takehome ako ng inihaw na bangus); siya, sinigang na nalimutan-ko-kung-plapla-ba-‘yun-o-kung-ano at inihaw na barbecue at isa-pang-nalimutan-ko-rin-tawag (bago iyon, sabi niya’y hindi pa siya gutom). Walang pormal na tutorial habang nag-uusap kami. Kuwentuhan lang. Mula miso (oo, iyung sinigang sa miso! parang...) na kanina ko lang nalaman na salitang Hapon pala para sa soybean na siyempre, gaya ng soya, ay Ingles naman para sa utaw (ito ang Pinoy!—at ito ang pinakahindi pamilyar sa akin. Tiningnan ko sa UP Diksiyonaryong Filipino ang miso: png [Tsi] : dinurog at pinasingawang lentehas para sa sabaw o pesà Cf TAHURI. Mas gusto ko yatang ‘yun na lang “salitang Hapon para sa soybean; utaw sa Filipino.”)—hanggang sa mga problematiko ukol sa isyu ng comfort women (gaya ng, mahirap patunayan ang institusyonalisasyon ng prostitusyon noong WWII para sa mga sundalo ng Hapon dahil walang dokumento na magpapatunay dito—at bakit nga naman kasi idodokumento ito?, at kung iuuwi ito sa kaso ng rape o serye ng mga panghahalay (walang lamang!)—dahil totoo rin naman at mahirap pasubalian ang testimonya ng mga naging biktima—sakit ito ng tao, na pinalalala ng mga kundisyong gaya ng digmaan, at hindi partikular sa mga Hapones (ngayon, lamang!).

--o0o--

Ibinigay na ni Jay ang manuscript para sa 5th Ateneo National Writers’ Workshop. Uupo ako sa panel sa Lunes, unang araw ng workshop, at inaasahang magbibigay-puna sa tatlong tula (“The Season,” “Iyong Pangalan,” at “Betrayal”) at isang maikling kuwento (“Kontrabida”). Ito ang unang pagkakataon na uupo ako sa isang national writers’ workshop hindi bilang isang writing fellow (hindi siyempre kasali ang mga sesyon sa LIRA).

--o0o--

Pagkatapos ng tatlong tasa ng kape (hindi ko naubos ang ikatlo, itinapon ko na dahil napalingat lang ako’y may ipis nang nakikiinom; paalala sa sarili: kailangan ko na talagang maglinis ng kuwarto), ayaw pa (na?) akong dalawin ng antok, kahit ang umaalingawngaw sa utak ko’y ang “Kama Supra” ng Eraserheads: “Mahal kita, pero miss na miss na miss ko na ang aking kama at ang malupit kong unan.” At siyempre, nasa isip din kita. Para sa iyo na rin ito.

M Y : D A I L Y : B R E A D
For the Mind
: Arthur Rimbaud, A Season in Hell and The Drunken Boat, translated by Louise Varèse (New York: New Directions, 1961); Paul Valéry, “Commentaries on Charmes,” “On Speaking Verse,” in The Art of Poetry, translated by Denise Folliot, with an Introduction by T.S. Eliot (New York: Pantheon Books, 1958); students’ final papers (finished 33!). For the Soul: Eraserheads’ Cutterpillow. For the Body: Jollibee burger steak, inihaw na pusit, Pan de Manila monay at Reno liver spread. For the Jologs-in-me: Star Circle National Teen Quest, Krystala, Mulawin, Starstruck, Special Assignment, Y Speak.

10.13.2004

Basement

Sa baryo kung saan ako lumaki, may mag-anak na dinalaw ng kung anu-anong misteryo. Naunang inatake sa puso ang ama, batang-bata, wala pang sisenta noon. Normal naman iyon, atake sa puso. Ilang buwan lang, nalulong sa droga ang panganay na lalaki. Nang subukang iparehab (noong hindi pa uso ang pagpaparehab), nawala naman ang bisyo pero madalas nang makitang nagsasalitang mag-isa. Pagtagal-tagal napilitan silang ipasok sa mental. Ang sumunod na babae, nabuntis, at kahit na anong pagpapaamin ang gawin, hindi sinabi kung sino ang ama ng bata. Malusog naman ang sanggol nang isilang, pero nang lumalaki na’y saka nila natuklasang pipi at bingi ang bata. Ang bunsong babae naman, maayos sa pag-aaral at tangi nang pag-asa sana ng ina hanggang isang gabi’y sinapian daw ng Santo Niño. Gabi-gabi halos iyon. May ilang gabi ring kasa-kasama ako nina Inay noon kapag may padasal sa bahay nila. May malabong alaala ako ng pagsaksi sa pagsapi raw sa kanya ng Santo. Pero noong bata ako, wala pa akong gaanong pakialam doon. Sumasama ako sapagkat isa sila sa may pinakamagandang bahay sa baryo. Marmol ang sahig. Maluwang ang pinto. May terrace. Malalambot ang sofa. At higit sa lahat, may basement. Kahit minsan, hindi ako nakababa sa basement na iyon, kaya lagi kong pinag-iisipan kung ano ang hitsura noon. May kuwento-kuwento noon na may isa pa silang kapatid, isang ahas, na doon inaalagaan. Para naman sa iba, naroon ang kayamanan ng pamilya. Para sa akin, basta ibang mundo iyon. Natigil na ang pagsapi sa bunsong babae nang mabalitaan naming ipinagbibili na ang bahay. Ito raw ang malas, lalo na dahil sa basement; hinila nito ang buhay nila pababa. Walang bumili ng bahay, kaya iniwan nila itong abandonado. Noong bata ako, sukatan ng tapang ang pangangahas pumasok sa bahay na iyon. Sa taguan o barilan, iyon sana ang magandang kuta. Tiyak na walang mangangahas maghanap doon. Pero wala ring nangangahas magtago roon. Nang lumaki-laki na ako at bihira nang maligaw sa bahaging iyon ng baryo, nagulat na lang ako nang makitang may nakatira na muli sa bahay. Hindi ko na inalam ang buhay nila.

10.12.2004

Code 46

Code 46 (2003)
Directed by Michael Winterbottom
Cast: Tim Robbins (William) and Samantha Morton (Maria)
code 46

article 1
any human being who shares the same nuclear gene set as another human being is deemed to be genetically identical. the relations of one are the relations of all.

due to IVF, DI embryo splitting and cloning techniques it is necessary to prevent any accidental or deliberate genetically incestuous reproduction.

therefore:

i. all prospective parents should be genetically screened before conception. if they have 100%, 50% or 25% genetic identity, they are not permitted to conceive

ii. if the pregnancy is unplanned, the foetus, must be screened. any pregnancy resulting from 100%, 50%, or 25% genetically related parents must be terminated immediately.

iii. if the parents were ignorant of their genetic relationship then medical intervention is authorised to prevent any further breach of code 46

iv. if the parents knew they were genetically related prior to conception it is a criminal breach of code 46
The future in this film is a future not much different from our present—with its inclusion and exclusion in/of societies, and marginalization of certain individuals against a monopolized/centralized power—and still it revolves on something as ancient as love and intimacy, and the things men are willing to do and defy for it. I loved the premise (that’s why I bought the pirated DVD; besides, I loved the silence in Tim Robbins' acting in The Shawshank Redemption) but I didn’t like the idea that it may all boil down to something merely Oedipal (not that this complex is unimportant). In addition, the film was not able to share with me something new about memory. Have we already exhausted everything that can be said about memory and forgetting? Is this the reason for forgetting, to have illusions that we come face to face with something new everyday? Was it Heraclitus who said that we cannot cross the same river twice? Is it true? I mean, is there really no probability at all that I am confronted by the same thing over and over again? That I just easily forget things so that I will not get exhausted by the monotony of having to repeat myself again and again? That even remembering some things is just a function of this illusion?

10.11.2004

The Pillow Book

The Pillow Book
Directed by Peter Greenaway
Cast: Vivian Wu (Nagiko), Ken Ogata (The Father), Yoshi Oida (The Publisher), and Ewan McGregor (Jerome)

"Treat me like the page of a book.”
Mag-isa akong nanood ng The Pillow Book sa UP Film Institute noong nagdaang Biyernes, alas-siyete ng gabi, halos puno. Maya-maya, may tumabi, mukhang mag-boyfriend. Sa pelikula, lulong ang bida sa pagpipinta sa katawan. Body writer? 13 aklat, labintatlong katawan ng lalaki ang ipinakita. Sa ikalabintatlo, mataba ang lalaki, pang-sumo. Pagtapat ng kamera sa ari niya, narinig kong usapan ng mag-boyfriend sa tabi ko:

Babae: Babae siya? (Takang-taka)
Lalaki: (Mukhang takot may makarinig) Talagang ganu’n pag matabang lalaki.

Hindi na nakasagot ang babae. Hindi ko alam kung dahil sa isinagot ng boyfriend o dahil nilaslas na ng mukhang pang-sumo ang leeg ng publisher ng libro.

10.10.2004

Who Has Read Elfriede Jelinek?

From The New York Times:

Austrian Writer of Sex, Violence and Politics Wins Nobel
By Alan Riding (Published: October 8, 2004)

For the Record

PARIS, Oct. 7 - Elfriede Jelinek, a reclusive Austrian novelist and playwright who is well known in the German-speaking world for works that denounce both sexual violence and oppression, and right-wing extremism, was awarded the 2004 Nobel Prize in Literature on Thursday by the Swedish Academy in Stockholm.

There had been speculation that this year's prize might go to a woman, but Ms. Jelinek had not been mentioned among possible contenders. She is the first woman to win the award since Wislawa Szymborska in 1996 and only the 10th since the prize was created in 1901.

(Read more from the site here.)

10.09.2004

On Laughter

Conversations from The Name of the Rose:

Jorge de Burgos: A monk should not laugh. Only the fool lifts up his voice in laughter. I trust words did not offend you, Brother William... but I heard persons laughing at laughable things. You Franciscans, however, belong to an order where merriment is viewed with indulgence.

William of Baskerville: Yes, it's true. St. Francis was much disposed to laughter.

Jorge de Burgos: Laughter is a devilish wind which deforms the lineaments of the face and makes men look like monkeys.

William of Baskerville: Monkeys do not laugh. Laughter is particular to man.

Jorge de Burgos: As is sin. Christ never laughed.

William of Baskerville: Can we be so sure?

Jorge de Burgos: There is nothing in the scriptures to say that he did.

William of Baskerville: There's nothing in the scriptures to say he didn't. Even the saints have employed comedy to ridicule the enemies of the faith. For example, when the pagans plunged St. Maurus into the boiling water he complained his bath was too cold. The sultan put his hand in, scalded it.

Jorge de Burgos: A saint immersed in boiling water does not play childish tricks. He restrains his cries and suffers for the truth.

William of Baskerville: And yet, Aristotle devoted his second book of Poetics to comedy as an instrument of truth.

Jorge de Burgos: You have read this work?

William of Baskerville: No, of course not. It's been lost for many centuries.

Jorge de Burgos: No, it has not. It was never written. Because providence doesn't want futile things glorified.

William of Baskerville: Oh, that I must contest--

Jorge de Burgos: Enough!

Later in the film...

William of Baskerville: But what is so alarming about laughter?

Jorge de Burgos: Laughter kills fear. And without fear, there can be no faith. Because without fear of the devil, there is no more need of God.

William of Baskerville: But you will not eliminate laughter by eliminating that book.

Jorge de Burgos: No, to be sure. Laughter will remain the common man's recreation. But what will happen if, because of this book, learned men were to pronounce it permissible to laugh at everything? Can we laugh at God? The world would relapse into chaos. Therefore, I seal that which was not to be said and the tomb I become.

10.08.2004

44th U.P. National Writers Workshop

Press Release: Guidelines Set for 44th U.P. National Writers Workshop

LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing (UP ICW) has slated the 44th UP National Writers Workshop from 27 March to 9 April 2005 at the UP Baguio. Twenty fellowships will be at stake: 15 for Fellows in Filipino and English, while the other five for writers in Iluko, Bikol, Waray, Sugbuanon, Hiligaynon & Kiniray-a, depending on merit. The grants cover board, lodging and stipend.

The textual requirements are: six poems, two short stories or two one-act plays. Mixed genres/experimental pieces will also be considered. All the entries ought to be in one language (English or Filipino, as the case may be). Combined or incomplete submissions will be disqualified.

The technical requirements are: only the nom de plume should be on four separately bound, computer-encoded hard copies (font size 12); an MS Word diskette containing the entries; and a sealed letter envelope with a cover letter, a résumé (with birthday & contact numbers), an attestation of originality, a slip of paper with name & nom de plume together, and a 2” x 2” ID photo.

Manuscripts in the regional languages should be accompanied by Filipino or English translations.

Submissions should be sent to:

DIRECTOR V. E. CARMELO D. NADERA Jr.
LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing
2/F Bulwagang Rizal
University of the Philippines Diliman
1101 Quezon City

Deadline for submission is 12 December, Friday, 6 p.m. Postmarked entries will be accepted. Fellows from the previous UP Workshops need not apply. For clarifications, call 922-1830 (direct line) or 981-8500, loc. 2117 (trunkline).

10.07.2004

The Name of the Rose

The Name of the Rose (1986)
Directed by Jean-Jacques Annaud
Based on the novel by Umberto Eco
Cast: Sean Connery (William of Baskerville), Christian Slater (Adso of Melk), Feodor Chaliapin, Jr. (Jorge de Burgos), and Valentina Vargas (The Girl)

“In much wisdom is much grief, and he that increaseth his knowledge increaseth his sorrow also.”
Una kong nabasa ang The Name of the Rose ni Umberto Eco noong nasa kolehiyo ako. Nauna kong nabasa ang kanyang Foucault’s Pendulum at bagaman hindi ko naman talaga naunawaan ito noon (at ipinangako sa sariling babalikan “balang araw”; hindi pa rin dumarating ang araw na iyon), nagustuhan ko ito, kaya’t hinanap ko ang iba pa niyang mga aklat at natagpuan nga ang The Name of the Rose. Ngayon binabasa ko ang kanyang mga sanaysay sa How to Travel With a Salmon & Other Essays na nahiram ko kay Jema kamakailan.

Nagulat na lang ako nang malaman kay Vim na may isinapelikula pala ito; salamat sa kopya ng pirated DVD na nabili niya sa Marikina.

Adso of Melk: Do you think that this is a place abandoned by God?
William of Baskerville: Have you ever known a place where God would have felt at home?
Saan tatangayin ang ating henerasyon ng pesimismo ng mundo?

10.06.2004

Patalastas # 4

Magkakaroon ng Fellows' Night ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa ika-12 ng Oktubre (Martes), alas-9 n.g., sa Conspiracy Cafe. Reunion din ng lahat ng mga kasapi ng LIRA, at paglulunsad ng folio ng pinakabagong batch. Inaanyayahan ang lahat! (Salamat sa pag-aasikaso nina Ron at Bebang!)

10.05.2004

Eraserheads

Noong Sabado ng gabi (o Linggo na siguro ng madaling-araw), bigla’y gusto kong makinig sa mga kanta ng Eraserheads. Nang mag-crash ang laptop ko noong Hunyo, kasama sa nabura ang mp3s ng kanilang albums, at ngayon, wala akong mapatugtog kahit isang kanta nila. Pumunta ako kina Ruel at hiniram ang cassette tapes ng Cutterpillow at Fruitcake. Ang problema, wala namang player. Sinabi ko kay Ruel na dapat ay magkaroon ng concert ang lahat ng mga Pinoy alternative bands sa kasalukuyan; tribute para sa Eraserheads—puro kanta lang ng Eheads magdamag. Mas maganda kung mapagsasama muli ang buong banda, at tutugtog din sila, pero hindi iyon kailangan (may mga bagay na nagaganap at kailangang tanggapin, gaya ng paghihiwalay, at hindi ko nagustuhan ang pasaring sa Eraserheads ng Parokya ni Edgar—kahit gusto ko rin sila—sa kanta nilang Yes Yes Show).

Kinabukasan, Linggo, palipat-lipat ako sa SOP Rules at ASAP Mania habang nagbabasa-basa ng papel ng mga estudyante nang sa isang segment ng huli (OPM: Original Pinoy Masterpieces; mabuti’t may ganitong segment ang ASAP) ay i-feature si Ely Buendia (noong mga sinundang linggo, sina Jose Mari Chan at George Canseco ang napanood ko) at kantahin ang mga pinasikat ng Eraserheads. Parang dininig ang hiling ko. Kahit hindi ko naman talaga paborito ang mga mang-aawit na ito (maliban kay Gary V.), nahalagahan ko ang pagkilala nila sa kontribusyon ng mga awit ng banda sa musika, at kung paano nito kinulayan ang mundo ng henerasyong kinabibilangan ko. Nasa grade five ako nang unang lumabas ang Ultraelectromagneticpop at sumikat ang “Pare Ko.” Nasa elementarya pa lang ako noon pero pakiramdam na'y nakikibahagi sa sentimyento ng isang umiibig sa kolehiyala. Sa klase namin noon, wala yatang hindi memoryado ang kanta.

Unang kumanta si Vina Morales: ang “Ligaya” na kaya ko pa ring sabayan kahit nakapikit. Maayos na sana, pero sinundan siya ni Martin Nievera sa “Ang Huling El Bimbo” at inis na inis ako kay Martin dahil hindi siya makasabay sa ritmo, mali-mali ang pasok sa kanta; mukhang hindi niya napaghandaan. Pakiramdam ko, ako ang nainsulto. Halos hindi ako makapaniwala: hindi niya alam ang “Ang Huling El Bimbo”? Sinundan pa ni Kuh Ledesma na mukhang hindi rin pamilyar sa “Huwag Mo Nang Itanong.” Mabuti na lamang at isinalba sila nina Piolo Pascual at Gary V. na magkasunod na umawit ng “Pare Ko” at “Harana.” Nakaiinis dahil dapat sana’y pinararangalan nila ang galing ng komposisyon pero hindi naman talaga nakapaghanda ang lahat. Kinanta naman ni Zsa Zsa ang “Alapaap” (wala akong problema sa pagkanta n’ya, maliban sa hindi talaga bagay sa kanya ang kanta) at tinapos ni Pops (opo, si Pops! Nagulat din ako dahil bukod sa naroon si Martin, ang alam ko’y ganap na siyang kapuso) ang set sa “Maskara.”

Mabuti na lang, buhay na buhay ang audience. Sa edad nila, mukhang hindi nalalayo sa edad ko. Halos lahat sila’y nakatayo at nakikikanta. Maaaring marami sa kanila, mas pamilyar pa sa mga kanta ng Eraserheads kaysa sa mga mang-aawit sa entablado. Nasaan ba ang mga “performers” na ito nitong nagdaang dekada?

--o0o--

Noon pa nawala ang kopya ko ng albums ng Eraserheads (puro cassette tapes lang iyon); mahabang kuwento at sama ng loob ang nasa likod ng pagkawalang iyon. Matagal-tagal na rin akong naghahanap ng lahat ng kanilang albums sa CD; kaya nagdadalawang-isip pa akong bilhin ang Eraserheads Anthology ngayon. Kung magbebenta kayo o may alam kayong outlet na kumpleto (Ultraelectromagneticpop, Circus, Cutterpillow, Fruitcake, Sticker Happy, Aloha Milkyway, Natin99, Bananatype, at meron-pa-ba-akong-nalimutan?) pakisabihan po ako (Mas okey kung ireregalo n’yo, siyempre; malapit na ang Pasko). Salamat, salamat!

--o0o--

Pahabol: Dahil sa nangyari, pinag-iisipan ko ngayon kung buburahin ko na ba ang kaisa-isang album ni Martin na nasa media player ko, ang Chasing Time.

10.04.2004

Ateneo Workshop Fellows

Congratulations to this year's fellows to the 5th Ateneo National Writers Workshop:

Poetry in Filipino
  1. Ronald Atilano (Makati City)
  2. Javier Bengzon (Quezon City)
  3. Maricristh Magaling (Bulacan, Bulacan)
  4. Carla Quisumbing (Iloilo City)
Fiction in Filipino
  1. Chuckberry Pascual (Malabon City)
  2. Donna Manio (Imus, Cavite)
Poetry in English
  1. Philip Bacani (Muntinlupa City)
  2. Jaime Doble (Iba, Zambales)
  3. Francisco Guevara (Pasig City)
Fiction in English
  1. Dustin Celestino (Quezon City)
  2. Nicolas Lacson (Muntinlupa City)
  3. Daryl Valenzuela (Quezon City)

10.03.2004

Birthdays and October

Two of my closest friends are celebrating their birthdays this October, at exactly one week apart—Naya (today!) and Anwar (on October 10). We’re now all 23 (aha!). I haven’t seen Naya for the past week (she was probably too busy with her MA classes; but I was able to greet her a minute past midnight); Anwar for almost a year now. The last time I saw him was during the sembreak last year when I was about to begin working on my thesis. Before that meeting, we never saw each other for about four years. Four years!—and we were really good friends back in high school. He took architecture (the last time he texted me, he told me he didn’t enroll for this sem) in Lucena City, and I entered Ateneo. We were seatmates in first year high school (his last name is Reyes, and his father’s name happens to be Efren, but not the magician; although later in high school, we’d be addicted to billiards and cut classes to hangout at Kevin’s among other things), and got along really well. When I entered college and joined Heights, I easily became close with Naya. I always feel uncomfortable to speak about friendships, but now I feel that the best gift is always that which cannot be given by anybody else, like this admission: most of the things and confidence that I can only do and share with Anwar before, I am able to share with Naya now; I treasure both of them.

--o0o--

Some other friends are also celebrating their birthdays this October: Paolo (12), John (20), Vim (23), Giewelle (24), Aaron (30), and Tom (31). Mommy, PM’s (also one of my best friends) mom is celebrating her birthday also on the 12th.

--o0o--

In the ten years that I studied at the Liceo de San Pablo, October meant praying the rosary every morning after flag ceremonies (really: less 15 minutes for the much needed—especially for those who did not work on their assignments the previous night, meaning almost the whole class—homeroom period). Now that I’m teaching to college students, it means heaps of papers and tests to be checked, and final grades to be computed (this sem for five classes!), before that much wanted and needed sembreak. (Now the Eraserheads’ song begins to play in my mind... Naaalala kita pag kakain na, naalala kita ilang bukas pa ba bago tayo ay magkita, sabik na masilayan ka—ha-ha-hah)

10.02.2004

Wikang Malaya

Ang tema ng Bertigo ngayong taon: Wikang Malaya, Wikang Mapagpalaya. Mahigit 160 tula ang kinailangan naming pasadahan. Ako, si Mikael, Kapi, Jonar, Pael at Pablo. Kanya-kanyang basa muna, at saka ang ranking ng top 10. Madaling mapagpasyahan ang mga tatanggalin: hindi sila malaya. Kulong sa padron ng tugma at sukat (walang masama rito, dalawa sa nakasama sa top 10 ko ay may tugma at sukat; ang masama’y madalas na may mali sa tugmaan; hindi na ako nagbilang para sa sukat). Kulong sa madalas na pagturing na “makakatutubo” (sa marami, ang ibig sabihin: maka-Tagalog) sa wika. Kulong sa pangangaral na walang iniusad mula sa argumento ni Rizal; ginamit pa ng ilan ang bayani nang mali naman ang pakahulugan sa sinabi nito.

Matapos ang pagtatally ng top 10 naming anim, ang pinagtalunan sa dulo upang makakuha ng unang gantimpala ay dalawang tula na kapwa hindi bumanggit ng wika at malaya (sa pagkakaalala ko): ang “Ampon” (Rank 1 sa akin) at “Imported” (Rank 3 sa akin). Tungkol sa saloobin ng isang Tsino ang una, kung paanong inangkin niya ang wika ng nag-ampon sa kanyang Inang Bayan, at dito, sa lupang ito, hindi na lamang aniya siya “nakatuntong” kundi “nakatanim.” Ang ikalawa’y tungkol naman sa puna sa walang-kawawaang paggamit ng ingles sa paaralan, at ang kakatwa rito na noon pa kinilala ni Rolando S. Tinio sa mga eksperimentasyon niya sa Taglish. Nanalo ng unang gantimpala ang “Ampon” at ang "Imported," ikalawang gantimpala. Nakatutuwang sa high school pa lamang ay may mga ganito na ang sensibilidad sa pagsusulat. (Bukod sa sila lamang ang may malinaw na konsepto ng persona.)

Tama rin naman, habang “tiyak na tiyak” ang marami sa mga lahok sa kanilang posisyon at argumento, nasa gitna naman ng isang pagkalula (bertigo!) ang dalawang nanguna sa mga lahok. Paano tatayo nang tuwid sa gitna ng nakahihilong kalagayan at kalituhan: sa una, kung habang nakikita mo ang iyong katawan bilang “iba” sa karamihan (singkit ang mata, manilaw-nilaw ang balat) ay natatagpuan mo rin naman ang sariling “nauunawaan” sila, nakapagsasalita sa wika kung saan kayo nagkakaintindihan; sa ikalawa, kung habang pinangangaralan ka ukol sa pagkamakabayan sa wika ng dayuhan na ni hindi masabi nang maayos. Kapwa may pagtatangka sa pagiging subersibo ang dalawa. Kapwa may pagtatangkang palayain ang sarili, sa gitna ng iba’t ibang pagkalula. Pinalaya nila ako sa nakababagot na pagbabasa nang hapong iyon.

10.01.2004

Intimacy

Intimacy (2001)
Directed by Patrice Chéreau
Cast: Mark Rylance(Jay), and Kelly Fox (Claire)

Paano magiging malapit sa isang tao?

May mga araw na sumasakay sa dyip at nagkakataon, may nakasasakay na wari’y matagal nang kakilala. Ni hindi man lamang nagtama ang aming paningin, maaaring hindi niya rin ako nakita, bagaman pasulyap-sulyap sa kanya. Hinahanap kung ano kaya iyong nakapagpagaan sa akin ng loob, kung bakit magaan ang damdamin ko sa kanya. Hinahanap ko sa mukha niya o kahit sa galaw ng kamay o kibot ng labi ang katangian ng mga dating inibig. Pero wala roon. Iba siya. Nasa kabilang bahagi ako ng dyip, may kalayuan sa kanya. Ni hindi sa akin ipinasa ang kanyang bayad. Ngayon hindi ko na maalala kung sino sa amin ang naunang bumaba. Pero laging gayon, nagkahiwalay kami nang may kung anong panghihinayang. Lagi kong ipinapangako sa sarili na sa susunod, sa susunod na mangyari iyon, susundan ko siya at magpapakilala. Kahit alam ko, kahit kailan, hindi ko naman talaga magagawa. Magiging panatag ako sa kung ano ang nangyayari, magpapatangay sa mga pagkakataon, at walang gagawin upang lumapit. Magkakasya sa pagtingin sa malayo.