10.07.2004

The Name of the Rose

The Name of the Rose (1986)
Directed by Jean-Jacques Annaud
Based on the novel by Umberto Eco
Cast: Sean Connery (William of Baskerville), Christian Slater (Adso of Melk), Feodor Chaliapin, Jr. (Jorge de Burgos), and Valentina Vargas (The Girl)

“In much wisdom is much grief, and he that increaseth his knowledge increaseth his sorrow also.”
Una kong nabasa ang The Name of the Rose ni Umberto Eco noong nasa kolehiyo ako. Nauna kong nabasa ang kanyang Foucault’s Pendulum at bagaman hindi ko naman talaga naunawaan ito noon (at ipinangako sa sariling babalikan “balang araw”; hindi pa rin dumarating ang araw na iyon), nagustuhan ko ito, kaya’t hinanap ko ang iba pa niyang mga aklat at natagpuan nga ang The Name of the Rose. Ngayon binabasa ko ang kanyang mga sanaysay sa How to Travel With a Salmon & Other Essays na nahiram ko kay Jema kamakailan.

Nagulat na lang ako nang malaman kay Vim na may isinapelikula pala ito; salamat sa kopya ng pirated DVD na nabili niya sa Marikina.

Adso of Melk: Do you think that this is a place abandoned by God?
William of Baskerville: Have you ever known a place where God would have felt at home?
Saan tatangayin ang ating henerasyon ng pesimismo ng mundo?

4 Comments:

Blogger fionski said...

Uy... Mukhang masarap basahin ang blog mo. Bookmark ko nga para mabasa mamaya. Hehehe.

October 7, 2004 at 10:33 AM  
Blogger egay said...

Uy, salamat! Sino po ito? =)

October 7, 2004 at 3:05 PM  
Blogger egay said...

lawrence! salamat! mabuti ka pa, nagbabasa-basa lang d'yan hehe. alam mo, ang balak ko sana e kumuha ng philippine studies sa UP pero next school year na, gusto ko kasing magpahinga muna. pero bukas ako sa pag-aaral abroad (basta okey ang programa at may scholarship, siyempre). buti ka pa, nakita mo na si dr. ileto nang personal, siyempre nagagamit ko sa klase ng fil 14 ang kanyang pasyon and revolution (alam mo bang atenista s'ya at nagpalathala rin dati sa heights?). kung mapapadalhan mo ako ng mga detalyadong impormasyon, ikatutuwa kong tingnan ang programa nila para sa mga iskolar. i-email mo lang ako sa esamar@ateneo.edu at salamat ulit ha. ikaw, ingat ka d'yan. kung sakali, masaya akong makasama ka d'yan hehe.

tungkol sa koleksyon ng tula, inaayos ko pa rin yung "pag-aabang sa kundiman," itutuloy na raw ang paglalabas ng NCCA (kung hindi man, sinabihan ako ni Ma'am Beni na ibigay sa ORP). october 26 ang deadline ko kay ma'am beni para ibigay ang rebisyon at nang magawan na n'ya ng introduksyon. padadalhan kita ng kopya kapag lumabas na. ingat ka lagi!

October 11, 2004 at 12:41 PM  
Anonymous Anonymous said...

your blog is very nice and interesting to read.....nice job..............chao'

June 19, 2008 at 7:28 PM  

Post a Comment

<< Home