11.16.2004

Blizzard of One

(Blog entry ko dapat ito noong 16 Oktubre 2004, pero dahil naging abala nga sa pagtatapos ng nagdaang sem, heto't isang buwan na pala.)

Hindi na ako nagpunta sa Mag:net kagabi (marami pa talagang kailangang gawin), nasa dorm na ako nang magtext si Nikka, wala naman akong credit kaya hindi ako nakareply. Pagpunta ko kanina sa department, naroon na nga ang kopya ng Blizzard of One ni Mark Strand. Matagal ko na iyong hinihiram sa kanya. Sa pinoy dept ako nagcheck ng mga papel hanggang alas-siyete ng gabi bago ako bumalik sa dorm. Pagkatapos na pagkatapos ng Star Circle National Teen Quest (hindi ko nasimulan; pero mabuti’t tinapos na nila ang regional auditions this week), sinimulan ko na agad ang libro. Paborito ito ni Nikka. Madali kong nakilala ang ilan sa mga linya: nasa bagong blog niya ito, gaya ng “Something about the silence of the square” na nasa isa sa mga villanelle ni Strand ("na hindi halatang villanelle," laging sinasabi ni Nikka). Dahil mag-isa lang ako sa dorm (sa palagay ko, sembreak na at nagsiuwi na dapat sila, maliban kay Chen/Tien na Vietnamese dormmate ko), binasa ko nang malakas ang mga tula niya matapos ang isang pasada ng tahimik na pagbasa. Pagdating ko sa “The Delirium Waltz,” higit kong naramdaman ang ritmo ng tula (ang deliryo!) nang binabasa ko na ito nang malakas. Nakatayo ako habang nagbabasa. Pagkatapos, parang nagsayaw din ako talaga, pawisan pero magaang-magaan ang loob.

I cannot remember when it began. The lights were low. We were walking across the floor, over polished wood and inlaid marble, through shallow water, through dustings of snow, through cloudy figures of fallen light. I cannot remember, but I think you were there, whoever you were.
Babasahin ko ulit ang aklat bukas (Hiniram lang ni Nikka sa DLSU Library ang kopya at sa October 29 ang due date.) Isa pang tahimik na pagbasa, at pagkatapos isa ulit pabigkas. Sa tula kung saan nanggaling ang pamagat ng koleksyon, “A Piece of the Storm,” di ko malimot ang imahen:

“… this piece of the storm/ … turned into nothing before your eyes…”
Ibig kong tumula ukol sa isang malupit na unos, at ilapag iyon sa iyong harapan, subalit hindi mawawala, hindi mawawala sa pagitan ng ating pagtitinginan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home