(. . .)
Natapos ko na rin sa wakas ang Smallville Season 3. Sa wakas, dahil mahigit isang semestre na akong may kopya ng vcd’s ni Morny, at ngayon lang ako nagkaroon ng panahon na panoorin (may isang buwan na ‘ata nang makabili ako ng sariling kopya sa dvd). Mas kaabang-abang ang season 4 (sino’ng may kopya na, kahit ng episodes lang na naipalabas na sa US?) dahil ipakikilala na si Lois Lane. Sinisilip-silip ko ang ilang Smallville websites kanina at lalo akong hindi makapaghintay. Hay. Samantala, dumarami na naman ang mga papel ng estudyante na kailangan kong iwasto.
-o0o- Nauunawaan mo ba? Lagi na lang ganito. Kailangan ko ring huminga.
-o0o- Lumikha ng alingasngas ang Tangang Lawin. Di ko maiwasang maisip ang The Joke ni Milan Kundera. Ganito, ganito ang mangyayari kapag sineryoso natin ang biro. (Pero baka nga, hindi na biro lamang ito; o walang “lamang” sa biro.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home