Text: scqt paw
Pinanood ko na ang Bcuz of You kanina, dahil kailangan ko ring bumili ng pang-exchange gift. Miyerkules bukas, magpapalit na ng palabas sa mga sinehan, at mahigit isang buwan na rin ‘ata sa sinehan ang BoY kaya ngayon na ako pumunta. Gusto ko lang mapakinggan ang With a Smile, kung paano ito ginamit sa pelikula (usap-usapan ito sa Eraserheads yahoogroup na sinalihan ko).
Noong isang linggo ko pa niloloko si Claudette na ako ang nakabunot sa kanya (siya ang nakabunot sa akin noong isang taon, at naiwala ko nga ang pulang adidas cap na ibinigay n’ya nang nanood ako ng Feng Shui), alam ko namang hindi siya maniniwala. Hindi nga naniwala, kahit ako naman talaga. Kanina, pinipiga ko na kung ano ba ang gusto niyang matanggap. Ayaw magsalita, puro “gago ka talaga, Egay” at “ay naku, hindi naman ikaw ang nakabunot sa akin” ang naririnig ko. Niloloko ko na pag hindi niya sinabi kung anong gusto n’ya, panty na may larawan ni Spiderman ang ibibigay ko. Tawa nang tawa. Sa Metro East kanina, natukso tuloy ako na totohanin iyon. Mabuti’t wala akong nakita. Tinext ko na lang si Kristine kung ano ang gusto ni Claudette. Kahit ano raw, basta may aso. Panty na aso ang print kaya? Wala rin akong nakita. Nauwi ako sa safe na regalo. Stuffed toy. Napamahal nga lang ako (kung mabasa man niya ito, ito dapat ang huli niyang mabasa at maalala).
-o0o- Wala ka bang mapaggamitan ng load?
Text: SCQT[space]PAW [to 2331/Globe; 231/Smart]
Suportahan po natin siya. Kailangan ng magsasalba sa kalidad ng mga naiwan sa Star Circle National Teen Quest. Sa pitong naiwan, si Theo na lang ang kaya kong pagtiyagaan (at mukhang siya pa ang nanganganib nang ma-out sa susunod: paano, wala siyang ka-loveteam).
Ngayon lang ako bumoto sa isang reality show. Hindi pa rin nga ako nakababawi sa pagtatanggal sa kanya dati. Tingin ko, hindi siya ibinoto ng mga tao noon (gaya ko) dahil akala nila’y siguradong-sigurado namang in siya. Bukod sa pinakamaganda siya sa mga babae (batay sa biased kong pagtingin, siyempre), halos strongest siya sa lahat ng exercises noong linggo na na-out siya. Paborito rin siya ng jurors. Ergo, text votes talaga ang nag-alis sa kanya sa magic circle of ten. Kaya ngayon, plis, plis, iboto natin siya.
Hindi po ako naniniwala na kailangang iboto ang questor dahil lang kababayan siya (nangunguna si Franz ngayon, paano, matindi ang panawagan sa tanang Cebu hehe). Well, nagkataon lang na taga-Laguna rin si Paw. Pero wala iyong kinalaman. Pramis.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home